Lunes, Pebrero 25, 2013

Hiram na Buhay

Bakit ang tao'y namamatay? Bakit kailangang mamatay ng tao?
Ang ating buhay ay isang hiram na buhay lamang
Ito ay bigay sa atin ng Poong Maykapal
Di natin alam kung kailan, di natin alam kung paano
at di natin alam kung saan

Bakit ang tao'y natatakot mamatay?
Ako, handa na akong mamatay
Handa na akong makasama ang Diyos
Ikaw, handa ka na ba?

Kung di ka pa handang mamatay
may pinagsisihan ka ba sa buhay mo?
may gusto ka pa bang gustong balikan sa buhay mo?
Ako, wala na
Dahil kahit isang minuto ng buhay ko wala akong pinagsisihan
kahit may mga malungkot na panahon
di ko ito pinagsisihan
Tanggap ko ang kinabukasang ibinigay sa akin ng panginoon

Pero dapat maging masaya tayo
kahit na alam natin na mamawala din tayo sa mundong ito
gawin nating importante ang bawat sandali natin sa mundong ito
at mahalin ang ating mga magulang
respetuhin ang mga matatanda, dahil malapit na rin silang mawala sa mundong ito
galangin sila at wag silang bigyan ng problema
maging mabait sa mga kaibigan
upang wala tayong mapagsisihang oras at momento ng ating buhay
sabi nga ng nescafe
"LET'S MAKE EVERY MOMENT PERFECT"


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento